Jesus is Coming

May tatlong magkukumpare na sabay sabay namatay, pag akyat nila sa langit kinausap sila ni St. Peter.

Kumpare 1: St. Peter kagawad po ako sa amin.
St. Peter: Kilala kita, ikaw yong malaswang magsalita, bumalik ka sa lupa, ayus-ayusin mo ang buhay mo..
Kumpare 1: Opo, kung kinakailangan po.
Tsug! Biglang nawala…

Kumpare 2: St. Peter, Barangay Captain po ako..
St. Peter: Oo, kilala kita. Ikaw yong mataray. Ang dami mong sinaktan ang kalooban, pinahiya, bumalik ka sa lupa. Ayus-ayusin mo ang buhay mo
Kumpare 2: Opo, kung kinakailangan po.
Tsug! Biglang nawala…

Kumpare 3: St. Peter ako po si Mayor, baka hindi nyo po ako kilala
St. Peter: Ah, kilala kita! Ang lutong mong magmura! Hanggang sa langit naririnig namin! Wala ka nang sinabi,, papatayin ko siya, papatayin ko sila.. Bumalik ka sa lupa. Ayus-ayusin mo ang buhay mo.
Kumpare 3: Hindi na po kailangan
St. Peter: At bakit?
Kumpare 3: Napatay ko na po silang lahat….

The gospel today is tellig us the same thing, ayus-ayusin natin ang buhay natin. Jesus is coming…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *